INGREDIENTS:
1 kilo chicken
potato (cut into quarters)
carrot (cut into quarters)
tomato sauce (i used ung tomato sauce na pang spagetti)
1 can liver spread (i used argentina pero mas malasa ang reno)
2 pack maggi magic sarap
salt and pepper to taste
cooking oil
PROCEDURE
1. Una kong ginawa hinugasan ko muna ang chicken at pinakuluan ko muna hanggang sa maluto.
2. Mapapansin na hindi na ako gumamit ng bawang at sibuyas dahil tamad akong maghiwa pero pwede nyo din lagyan ng bawang at sibuyas, may nabibili na sa palengke na chop na bawag at sibuyas pati ung carrot at patatas meron na din nabibili na cut into quarter na.
3. Kapag naluto na ang chicken ilagay ang tomato sauce at liver spread, pakuluan lang siya hanggang sa matunaw ung liver spread at timplahan natin ng asin at paminta.
4. Ilagay na natin patatas at carrots, tapos pakuluin ulit. Mga 10mins kong pinakuluan.
5. Pagkatapos ng 10mins ilagay ang 2 pack ng maggi magic sarap at pakuluan ito ng 5mins. Then ready to serve na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento