Niluto ko itong version ng aking carbonara kasabay sa nauna kong nilutong chicken caldereta. Itong version ko ng carbonara may halo siyang twist dahil ang ginamit kong pasta ay macaroni ung penette tapos madali lang siyang gawain at napaka simple.
INGREDIENTS:
Elbow macaroni (i used pennette)
can of mushroom slice
3-5 pack of nestle cream (damihan niyo po ang nestle cream kung gusto niyo po ng mejo ma sauce siya)
1 can evaporated milk
grated cheese
garlic minced
onion minced
salt and pepper (gumamit din po ako ng ajinomoto)
cooking oil
parsley (chop)
FOR PASTA
oil
salt
PROCEDURE
1. Lutuin po natin ang macaroni ayon po sa paraan ng pagluluto nito at lagyan po ng asin at mantika
2. Igisa po natin ang bawang at sibuyas at ilagay ang mushroom.
3. Ilagay ang nestle cream halu haluin at ilagay ang evaporated milk haluin lang po natin sya hanggang 15mins. Tapos po ilagay ang kalahati ng grated cheese (yung kalahati para sa toppings)
4. Timplahan ng asin at paminta pwede niyo pong iadjust ayon sa inyong panlasa, nilagyan ko din po siya ng ajinomoto.
5. Ihalo na natin sa ating nilutong macaroni at lagyan ng grated cheese at parsley sa ibabaw at ready to serve na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento