CLUBHOUSE SANDWICH
isang hapon non nagkita kami ng aking boyfriend pumunta kaming puregold kasi gusto kong magluto ng kakainin namin, wala akong maisip then nakita ko ung tasty bread na mejo kulay brown so naisip ko na gumawa ng clubhouse sandwich na inspired kasi ako sa clubhouse sandwich na nakain ko sa fridays kaya gumawa ako ng sarili kong version :>Ingredients
1 tasty bread (i used brown color)
1 pack cheese (i used melted cheese)
lettuce
1 pack ham (any kind but i used the sweet ham)
tomatoes (i used the big tomatoes)
cooking oil
Procedure:
1. iprito yung isang pack ng ham then set aside po muna natin.
2. pagkatapos painitin sa ibang pan ang mga tasty bread po isa isa pong tanggalin ung gilid ng tasty breads yung matigas pong part nito then gamit po ang rolling pin or baso pagulungin natin ito sa tasty bread upang ma flat siya.
3. ready na natin ilayer ang mga tasty bread,
kumuhan ng isang bread
ilagay ang isang ham
sumunod ang cheese
ilagay din ang lettuce na binanlawan muna sa tubig
at kamatis na hiniwa ng pabilog
4. ulitin lang hanggang makagawa ng isa pang layer then hiwain ito ng pa triangle at lagyan ng toothpick sa mag kabilang dulo upang hindi ito mag hiwalay. Ready to serve na. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento