Lunes, Setyembre 8, 2014

Tortang talong with ham






Sangkap:

talong
itlog
regular ham
namnam seasoning
mantika


Paraan ng pagluluto:

1. Ihawin ang talong sa kalan, hanggang masunog ang balat pagkatapos talupan ito.
2. Batihin ang itlog at ihalo ang namnam seasoning isang sachet.
3. Mag painit ng mantika sa kawali at prituhin ang ham, hiwain ito ng pahaba.
4. Pagkatapos lutuin ang ham, isunond ang talong.
5. Iprito ang talong at ihalo ang binating itlog, hintayin maluto at pagkatapos ilagay ang hiniwang ham sa ibabaw.

Sabado, Agosto 23, 2014

MENUDO ALA TINA

Nag crave ako sa menudo so naisipan kong magluto ng menudo, hindi ko talaga alam kung pano ito lutuin kaya naghanap ako sa internet. Yung mga nakitang recipe sa internet medyo kumplikado kaya pinadali ko na lang yung version ko ng menudo.



Ingredients:

pork (cut into cubes)
hotdogs
potato (cubes)
carrot (cubes)
liver spread
tomato paste
2 pack maggi magic sarap
garlic
onion
oil
2 cups of water
salt and pepper (to taste)

Procedure:

1. Igisa ang bawang at sibuyas 
2. Ilagay ang baboy at hayaan maluto ng 15 minuto
3. Ilagay ang hotdog carrot at patatas, lutuin ito ng 2 minuto.
4. Ilagay ang tomato paste at lagyan ng 2 cups na tubig hayaan maluto ito ng 5 minuto takpan lang
5. Ilagay ang liver spread at halu haluin sunod ibudbod ang maggi magic sarap tapos optional ung pag lagay ng asin at paminta kung nakukulangan kayo pwede nyong dagdagan ng asin at paminta pero kung sakto na sa panlasa ang timpla pwedeng hindi na lagyan.
6. Tikman ang karne kung malambot na at pwede na itong iserve.

Biyernes, Agosto 22, 2014

HOTDOG ROLLS

Last year christmas gumawa ako ng hotdog rolls, masarap ito sa katunayan tinitinda ito ng kapitbahay na nag titinda tuwing merienda tapos tinanong ko siya kung pano niya ginagawa ng malaman ko ang dali lang pala kaya gumawa din ako ng sarili kong hotdog rolls.




INGREDIENTS:

Tasty bread
hotdog (i used tender juicy jumbo hotdog)
egg
Bread crumbs
salt
pepper
cooking oil

PROCEDURE:
 1. Iprito muna natin ang mga hotdog pagkatapos
2. Pipiin natin ang mga tasty bread gamit ang rolling pin or baso alisin ung matitigas sa gilid ng tinapay.
3. Gawin na ang rolls, kumuha ng isang hotdog at ilagay sa tinapay, i-roll ito pagkatapos
4. Pagulungin sa itlog atsaka pagulungin sa bread crumbs (lagyan ng kaunting asin at pepper ang itlog)
5. Iprito ito na nakalubog sa mantika kapag golden brown na pwede ng iserve ito.

PINEAPPLE CREMA

Naisipan ko gumawa ng pineapple crema for christmas, dahil madami akong nagawa naisip kong ibenta ito sa mga kakilala ko, nagustuhan naman nila syempre masarap daw :>


INGREDIENTS:

Graham cracker
2 Pack nestle cream
1 Small can condensed milk
1 can pineapple sliced

PROCEDURE:

1. Paghaluin ang nestle cream at condensed milk.
2. Ilayer ang graham cracker sa gagamitin na lalagyan.
3. Lagyan ng ginawang mixture ang unang layer ng graham cracker, ulit ulitin hanggang dalawang layer o kung ilan layer ang gusto niyo.
4. Ilagay sa ibabaw ang pineapple sliced at ilagay sa chiller ng 5hrs then ready to serve na.

PORK SIOMAI

Isang beses na nagkita kami ng boyfriend ko naisip po namin gumawa ng pork siomai dahil wala kaming maisip na kainan nung araw na iyon. 


INGREDIENTS:

Pork giniling 1/2
wanton wrapper
3 medium size carrot (minced)
2 tbsp soy sauce
onion minced
garlic minced
1 pack maggi magic sarap
1 egg
salt
pepper
oil

PROCEDURE

1. Pag sama samahin ang giniling carrot sibuyas bawang itlog magic sarap itlog at toyo ,haluin itong mabuti, lagyan ng asin at paminta.
2. Isa isang ibalot ang natapos na mixture sa wanton wrapper, wag masyadong madami ang ilagay na mixture.
3. Mag pakulo ng tubig sa lagayan ng steamer kapag kumulo na ibrush lang ng oil ang steamer para hindi dumikit ang ang wanton wrapper kapag naluto ito.
4. Isa isang ihilera ang nagawang siomai sa steamer at steam lang ito ng 30-45 mins. Tusukin ng toothpick ang siomai para malaman kung luto na, kapag walang dumikit na giniling pwede na itong iserved. Para sa sawsawan lagyan ng calamansi ang toyo at ready to serve na.

PININYAHANG MANOK

Isa po sa mga paborito ko yung pinyahang manok, lagi din po itong niluluto ng dadi ko. Wala po akong idea kung pano po siya lutuin kaya nag search po ako sa internet at napakadali po pala. Pina easy ko po ang pininyahang manok ko hindi ko na sya nilagyan ng maraming sangkap.

INGREDIENTS:

chicken
pineapple chunks
1 can evaporated milk
fish sauce
garlic minced
onion minced
tomato
cooking oil

PROCEDURE

1. Igisa natin ang bawang sibuyas at kamatis.
2. Ilagay ang manok hanggang sa medyo mag brown ito, at ilagay ang pineapple chunks.
3. Timplahan ng patis at ilagay ang evaporated milk at pakuluin, tikman po para ma adjust ang lasa at lagyan ng asin at paminta. 
4. Lutuin pa ng 5mins at ready to serve na.

CARBONARA with a twist

Niluto ko itong version ng aking carbonara kasabay sa nauna kong nilutong chicken caldereta. Itong version ko ng carbonara may halo siyang twist dahil ang ginamit kong pasta ay macaroni ung penette tapos madali lang siyang gawain at napaka simple.



INGREDIENTS:

Elbow macaroni (i used pennette)
can of mushroom slice
3-5 pack of nestle cream (damihan niyo po ang nestle cream kung gusto niyo po ng mejo ma sauce siya)
1 can evaporated milk 
grated cheese
garlic minced
onion minced
salt and pepper (gumamit din po ako ng ajinomoto)
cooking oil
parsley (chop)

FOR PASTA
oil
salt


PROCEDURE

1. Lutuin po natin ang macaroni ayon po sa paraan ng pagluluto nito at lagyan po ng asin at mantika
2. Igisa po natin ang bawang at sibuyas at ilagay ang mushroom.
3. Ilagay ang nestle cream  halu haluin at ilagay ang evaporated milk haluin lang po natin sya hanggang 15mins. Tapos po ilagay ang kalahati ng grated cheese (yung kalahati para sa toppings)
4. Timplahan ng asin at paminta pwede niyo pong iadjust ayon sa inyong panlasa, nilagyan ko din po siya ng ajinomoto.
5. Ihalo na natin sa ating nilutong macaroni at lagyan ng grated cheese at parsley sa ibabaw at ready to serve na.